Kanina ay nahuli
Ang aking sarili
Nakangiti nanaman
At nagkukubli
Ng tunay na kailanman
Ay ' di ko maipagsasabi
Nanaman, nanaman
At pagdating sa'king tahanan ay hindi
Ko nanaman mahanap aking susi
Saang lupalop ko ba to naitabi
Pasintabi
Nanaman, nanaman
Nalilito
Nahihilo na sa inyo
Nasaan na nga ba
Ang sarili kong pagkatao
Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko
Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo
Ohhh, Tao po?
Pakinggan nyo naman ako
Bakit di nyo subukan buksan
Ang bukas namang pinto
Nang tuluyan nang makita nyo
Tunay na ako
'Di nagtatago
Sa likod ng bumubulag na ilaw na to
Napapamuni-muni
Sa kawalan ng huni
'Di mapapirmi aking sarili
Ilaw nga ang dahilan
Kung ako ngayo'y nasa'n man
Ngunit kailangan kong magpahinga
Patayin ang ilaw pansamantala
Ohhh
Bakit gan'to?
Inakalang magbabago
Kabayaran ba nito'y
Sarili ko'y maglalaho
Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko
Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo
Ohhh, Tao po?
Pakinggan nyo naman ako
Bakit di nyo subukan buksan
Ang bukas namang pinto
Nang tuluyan nang makita nyo
Tunay na ako
'Di nagtatago
Sa likod ng bumubulag na ilaw na to
Heto nanaman ako
Patungo sa presinto
Magiisip ng kung anu ano
Kailan bang laya ko dito
Heto nanaman ako
Pwede bang ipagpaliban muna ng isang linggo
Pwede muna bang hinto?
Papalapit ako'y papalapit na
Bigat sa yabag ng bawat hakbang nitong paa
Patungo sa lugar kung san ayaw kong pumunta
Wala na bang iba?
Wala na ba?
Patuloy ang aking paghahanapsa pag asa
Ngunit walang saysay pa ang pagmamakaawa
Ano pa ba ang kabuluhan nitong aking paghinga ahhh
Sino?
Sino?
Sino?
Sino bang may tenga sa mga bulong ko
Kahit pa akoy sumigaw ay
Malabo malabo
Malabo ohh
Sino ba'ng may tenga sa mga bulong ko
Kahit pa 'ko'y sumigaw ay malabo
Ohhh, Tao po?
Pakinggan nyo naman ako
Bakit di nyo subukan buksan
Ang bukas namang pinto
Nang tuluyan nang makita nyo
Tunay na ako
'Di nagtatago
Sa likod ng bumubulag na ilaw na to
No comments:
Post a Comment